HomeAni: Letran Calamba Research Reportvol. 2 no. 1 (2015)

ANG MUKHA NG BUHAY SA GITNA NG DILIM AT LIWANAG NG ABORSYON

Charissa M. Batas | Charisse Bernadett B. Billen | Elaine L. Montiero | Rhodora C. Amora

Discipline: Psychology

 

Abstract:

Tinuklas ng pag-aaral na ito ang perspektibong mahusay na makapagpapaliwanag sa aborsyon. Ginamit sa pagaaral na ito ang teorya ni Kurt Lewin na Field Theory at ang teorya ni Leon Festinger na Cognitive Dissonance Theory. Layunin din na mapayabong pa ang konsensuwal na kwalitatibong pag-aaral lalo na ang aplikasyon nito sa Sikolohiyang Pilipino. Inalam ng mananaliksik ang kondisyon ng isang ina bago humantong sa desisyong ipalaglag ang sanggol, gayundin ang isinaalang-alang sa pagpapasiya, ang implikasyon ng pasya sa kasulukuyang buhay at kung paano hinarap ng kalahok ang mga naging bunga ng kaniyang pasya.