HomeAni: Letran Calamba Research Reportvol. 2 no. 1 (2015)

PAGGANAP NG PILING CALAMBEŇO SA COSPLAY: ISANG PAG-AARAL

Maica Czarina B. Iba?ez | Bea Danica F. Del Rio | Glyde M. Valdez | Jerome F. Villadares

Discipline: Psychology

 

Abstract:

Ang cosplay na matagal ng isinasagawa sa bansang Hapon ay nakarating na sa Pilipinas at kinahuhumaling ngayon ng mga kabataang Filipino. Ito ay isang pagtatanghal na hango sa manga na naglalaman ng mga storya mayroong karakter na gumaganap. Ang cosplay ay isang sosyal na gawain na kaakibat ng maraming salik. Isa sa mga salik na ito ay ang usaping sariling pagtatanghal o self-presentation. Kinakailangan ay maipakita o maipadama sa mga manunuod ang kagustuhan nilang ibahagi, gamit ang kanilang magarbo at makulay na kasuotan, tamang paggalaw na katulad sa karakter na kanilang ginagaya, at pakikisama o pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao, ang kanilang sarili.