Claudette G. Piel | Vanessa O. Cariaga | John Xyrus V. Tillo | Yolanda A. Chua
Discipline: Psychology
Kakaunti lamang ang suplay ng kidney samantalang napakarami ng nangagailangan ng transplantasyon kaya’t nagkaroon ng malawakang illegal na bentahan ng kidney (Matas, 2004). Layon ng pananaliksik na ito na malaman ang mga pagbabago sa pamumuhay ng ilang kidney seller sa Tayabas Quezon. Gumamit ang mga mananaliksik ng kwalitatibo at penomenolohikal na paraan ng pag-aaral. Kaakibat ng mga gabay na tanong, ipinakita ng mga mananaliksik ang kronolohikal na resulta ng pag- aaral bago at matapos magbenta ang mga kidney seller. Buhat dito ay nakita ang mga pagbabagong naganap sa buhay nila.