Sa pag-aaral na ito, inaalam ang mga saloobin at sulliranin ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagkatuto ng Filipino. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Pamantasang Ateneo de Davao, yunit ng Haiskul, Taong Panuruan 2009-2010. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang pagkakaiba ng saloobin at suliranin ng mga mag-aaral ayon sa kanilang profayl, kasarian, lenggwaheng ginagamit sa tahanan at antas. Deskriptibo-Komparatib- Relasyunal ang disenyo ng pag-aaral at gumamit ng talatanungan sa pangangalap ng datos. Mula sa pag-aaral, napag-alamang ang kapaligiran sa loob at labas ng kampus ay nararapat na sumuporta sa pagkatuto ng wika upang bigyan ito ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ng pag-aaral na ito na bigyan ng nararapat na pagsasanay ang mga guro na magpapalawak ng kanilang kasanayan sa paglalahad ng aralin at pamamaraan ng