HomeSaliksik E-Journaltomo 5 bilang 2 (2016)

Kasaysayang Buhay ng Isang Intelektwal: Talambuhay at Kaisipan ni Camilo Osias, 1889-1976

Valerie May M. Cruz-claudio I

 

Abstrak:

Layunin ng papel na ito na mag-ambag sa pag-aaral ng Kasaysayang Buhay at Kasaysayang Intelektwal sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil kay Camilo Osias (1889-1976).  May dalawang pangunahing bahagi ang papel na it0.  Ang unang bahagi ay isang maiksing Kasaysayang Buhay o talambuhay na may tuon sa naging edukasyon ni Osias sa loob at labas ng nasyon partikular sa ilalim ng tutelehiya ng mga Amerikano.  Naglalayon ang pagtalakay sa unang bahaging ito na maipakita ang proseso ng intelektwalisasyon ni Osias mula sa impormal at pormal na karanasan niya bilang indibidwal na bahagi ng kanyang lipunan at panahon.  Humubog ang mga karanasang ito sa kanyang kaisipan o mga ideya bilang intelektwal na tampok naman sa ikalawang bahagi.  Binubuo ang ikalawang bahagi, na kontribusyon sa Kasaysayang Intelektwal, ng mga sumusunod na paksain: Pilosopiyang Pluralisado: Dalumat ng Datayo, 1940-1976; Pilosopiya sa Edukasyon Bilang Gabay Tungo sa Kamalayang Pangdaigdig, 1954-1976; at Dalumat ng Banal na Ekonomiya Bilang Katangiang Ispiritwal ng mga Pilipino, 1960-1976.  Pangunahing adhikain ng papel na ito na ipook si Osias bilang intelektwal sa mga pag-aaral ng Bagong Kasaysayan sa pamamagitan ng pagtalakay sa kanyang talambuhay at kaisipan; at gayundin naman, sa pamamagitan ng pagbibigay-puna sa kanyang mga naging pagkiling bilang produkto ng kolonyal na kapangyarihan at edukasyon noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas.