HomeSaliksik E-Journaltomo 5 bilang 2 (2016)

Mga Kuwento nina Lolo’t Lola: Pang-araw-araw na Buhay sa Baguio Noong Panahon ng Hapon (1941-1945)

Jose Mathew P. Luga

 

Abstrak:

Marami nang pag-aaral na ginawa ukol sa siyudad ng Baguio, ngunit kakaunti lamang sa mga ito ang tumatalakay ng malaliman sa buhay ng mga mamamayan ng Baguio sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig—paano sila nabuhay, paano sila nakipagbuno sa kamatayan, at ano ang mga saya at pighati na kanilang hinarap sa gitna ng mga kaganapang ito?  Pakay kung gayon ng saliksik na ito na magbigay ng karagdagang aral ukol sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao na tumira sa Baguio sa gitna ng digmaan.  Upang mabuo ang kuwento ng mga mamamayan ng Baguio, nakipagpanayam ang may-akda sa sampung matatandang mamamayan na nabuhay o kaya nama’y tumira sa siyudad noong panahon ng pananakop ng mga Hapon gamit ang metodong Kasaysayang Buhay.  Sa pamamagitan nito, mapapalitaw ang maliliit na bagay-bagay na maaaring nagbago sa buhay ng mga mamamayan ng Baguio sa panahong ito.  Upang suportahan o pagtibayin ang mga salaysay ng mga nakapanayam, kumonsulta rin ang may-akda sa iba pang primarya at sekondaryang batis na nailathala na ukol sa Baguio at sa buhay ng mga taong nakaligtas sa siyudad noong digmaan.  Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpepreserba at pagpasa ng mga aral at alaala ng mga nakaligtas sa digmaan sa susunod na henerasyon, kundi makakatulong din sa pagpapayaman ng lokal na kasaysayan ng Baguio, lalo na sa isang panahong madalas hindi binibigyan ng kaukulang pansin at lalim ng marami sa mga lokal na mga libro o artikulo na naisulat na ukol sa siyudad.