Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang pasalitang diskurso ng mga Tagalog varayti sa Taguig. Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong pag-aaral sa iba’t ibang pasalitang diskurso. Ang deskriptibong pamaraan ay ginamit sa pag-aaral. Ang mga di-Tagalog na matagal nang naninirahan sa lungsod ng Taguig ang naging mga kalahok sa pag-aaral na ito. Lumitaw sa pag-aaral na may sariling varayti at varyasyong nabubuo ang mga taga-Taguig na tinawag na Tagalog-Taguig. Kinakitaan ng L1 habits ang mga interlokyutor sa pagsasalita nila ng Tagalog. Maituturing na nagkaroon sila ng “language innovation” sa paggamit nito upang makaagapay sa paggamit ng wika sa lugar na kinabibilangan. Nabatid sa pag-aaral na malaki ang gampanin o role ng unang wika sa paraan ng pagsasalita ng L2. Nagkakaroon ng malaking epekto ang L1 sa paraan ng pagbubuo ng salita. Umaalinsunod ito sa teorya ng dimensiyong heograpikal na nagbubunsod sa pagkakaroon ng lingguwistikong diyalekto: ang interference- na may epekto ang L1 sa paggamit ng L2.. Ang pagiging heterogenous/language mixture ng wika ay nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng wika. Ang buhay na wika ay nasa pagsasama-sama ng pagbabago at paglago. May malaking impluwensiya ang L1 ng mga ispiker na nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko