HomeMALAYvol. 29 no. 2 (2017)

Pangpang at Ilug: Ang Saysay ng Bangka sa Prekolonyal na Lipunang Kapampangan Pangpang at Ilug: The Boat and its Signifcance in Precolonial Kapampangan Society

Jasper Christan L. Gambito

 

Abstract:

Ang pangpang ng mga ilog ang nagsilbi bilang kadluan ng mga sinaunang pamayanan dito sa Pilipinas. Samantala, ang ilog naman na nakapaligid dito ang nagsilbi bilang nexus upang magkaroon ng ugnayan ang mga pamayanang matatagpuan sa magkabilang-dulo ng mga pangpang. Mahalaga naman ang papel na ginampanan ng mga ilog upang maging ganap ang ugnayan. Upang maipakita ang ugnayang pangpang-ilug-bangka na naganap sa Pampanga ay tatalakayin sa pag-aaral na ito ang heograpiya ng Pampanga upang maipakita ang mga ilog na nakaapekto sa pagbubuo ng mga sinaunang pamayanang matatagpuan sa mga pangpang nito, at ang bangka na siya namang nagsilbi bilang behikulo upang magkaroon ng ugnayan ang mga pamayanang Ilaya at Ilawud dito. Ipakikita rin naman sa pag-aaral ang papel na ginampanan ng bangka sa pagiging sangkot ng Pampanga sa isang mas malawak na network ng kalakalan kasama ang Tsina at iba pang pamayanan sa Pilipinas