HomeMALAYvol. 29 no. 2 (2017)

Teksto at Interpretasyon: Ilang Tala Tungkol sa Translaton and Revoluton at Agaw-Dilim, AgawLiwanag ni Ramon Guillermo Text and Interpretaton: Notes on Translaton and Revoluton and Agaw-Dilim, Agaw-Liwanag of Ramon Guillermo

U Z. Eliserio

 

Abstract:

Tatalakayin sa sanaysay na ito ang nosyon ng interpretasyon sa mga gawa ni Ramon Guillermo. Kinukuwestiyon ni Guillermo ang mga nakasanayan na nating pagtingin sa interpretasyon. Manunulat na malay at hayag sa politikal na dimensiyon ng kaniyang kritisismo, muli’t muling pinagmumunihan ni Guillermo ang kalikasan ng kritisismo, at ang lugar nito sa lipunan. Sa paghihimay na ito, gagamitin ang panulat ni Rolando Tolentino bilang ekspresyon at ekstensiyon ng mga ideya ni Guillermo. Magkakaroon dito ng pagtatalaban ng mga konsepto. Magkaiba ng estilo ang dalawang manunulat, bagaman magkalapit ang politika. Ang nagaganap sa pagitan nina Guillermo at Tolentino ay genuine na diskurso. Ipamamalas ng papel na ito ang diyalogo ng kanilang mga kaisipan