Discipline: Social Science
May mga salitang sexual na hindi masabi nang tahasan sa wikang Filipino. Ang isang teoretikal na pinag-ugatan kung bakit nagkaroon at kung paano nangyayari ang ganitong kalakaran ay siniyasat mula sa ideasyonal na sistema ng kulturang Filipino tungkol sa pagkatao ayon sa mga konsepto sa diksyonaryo, at mula sa moral at teolohikal na katuruan hinggil sa pantaong sexualidad ayon sa mga diskurso sa katesismong Katoliko. Buhat sa feminismong pananaw, nakita na ang mga texto ng diksyonaryo at katesismo ay nagtuturo ng katutuang nagbabalangkas ng katotohanan ng pagkataong sexual ng mga Katolikong Filipino. Tumutumbok ang mga katuturang ito sa patriarkal na sistema ng kaisipan at pagdediskursong namamayani sa simbahan at lipunan. Para sa kalalakihan, may mga terminong nagpapahintulot na mapaikutan o malagpasan nila ang pamantayan ng moralidad tungo sa konstruksyon ng pagkalalaking mabuti at katanggap-tanggap sa lipunan. Samantalang para sa kababaihan, maraming salitang nakatuon sa masamang uri ng moral na pamumuhay tungo sa konstruksyon ng pagkababaeng mahalay at makasalanan.
All Comments (1)
april
9 months ago
saan po kaya ako makakakita at makakabasa ng full text