HomeMALAYvol. 30 no. 1 (2017)

Artkulasyon ng Katutubong Pilosopiya

Florentino T. Timbreza

 

Abstract:

Sa atas ng likas na pangangailangan ay lumikha ang tao ng kultura upang mabuhay sa mundo, kung saan siya isinilang na wala sa kaniyang kaalaman at pagkatapos ay mamamatay naman siya laban sa kaniyang kalooban. Nakapaloob sa kaniyang kultura ang iba’t ibang paraan at mga sistema ng kaniyang paglutas sa samot saring suliranin para lamang mananatiling buhay; bukod sa kaniyang katutubong wika—bilang tagadala ng pag-iisip at instrumento ng komunikasyon—ay kasama na rito ang pagbalangkas ng ilang katutubong pananaw bilang panuntunang-paliwanag o panukatang-pagkukuro at kasagutan sa kakumbakitan ng buhay-tao. Kailangan niya ang mga ito upang maibsan at mabigyang-kasiyahan ang kaniyang likas na pagkauhaw sa kaalaman at ang kaniyang pagtugis sa katotohanan. Dahil ito, ang bumubuo ng kaniyang mga katutubong pilosopiya sa buhay.