HomeHASAANvol. 4 no. 1 (2017)

Paglalakad at Pag-unawa sa Session in Bloom

Ivan Emil Labayne

 

Abstract:

Babasahin ng papel na ito ang Session in Bloom bilang isang cultural na kaganapan, partikular bilang manipestasyon ng kontemporanyong pamilihan at sintomas ng modernong urbanisasyon. Susuriin ang pagkakatugma o ‘di-pagkakatugma ng lohikang gumagana sa Session in Bloom sa sa tabi ng magkakaibang ideya: ang carnival ni Mikhail Bakhtin at ang mga pagmumuni-muni ukol sa pamilihan-bilang-laberinto ni Walter Benjamin. Magmumula sa paghahambing ng Session in Bloom sa pamilihang kinagiliwan ni Benjamin ang pag-iibang anyo ng pamilihan sa takbo ng kasaysayan.