Sa pag-aaral na ito, iuugnay ang mga makabayang mensahe ng mga Pilipinong mang-aawit sa mga mensahe ng mga
propeta sa Bibliya. Pinapalagay na mala-propeta din ang mga katangian ng mga Pilipinong makabayang mensahe. Inaasahan na
lilitaw mula sa mga makabayang awit-protesta ang ilang kuwento at salaysay na kamukha ng mga kuwento at salaysay ng mga propeta sa Bibliya. Ang pagtatabi ay pag-uugnay ng magkaka-mukhang mensahe—mga mukha ng protesta at pag-asa. Sa ugnayang pagkakamukha, ang pagkakatulad ang binibigyan ng diin at hindi ang pagkakaiba. Sa ganitong paraan, inaasahan na maitampok ang isang walang humpay na daloy ng kasaysayan ng mga protesta at pag-asa sa buong mundo.