HomeHarvestvol. 14 no. 1 (2018)

Nasyonalismo: Ang Makabayang Pilosopiya sa Pagpapanumbalik ng Maka-Pilipinong Kamalayan

Marie Joyce D. Veneracion

 

Abstract:

Ang nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan. Layunin ng pilosopiyang ito na iangat at mapaunlad ang pamumuhay ng isang tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay maunlad, kasabay nito ang pag-unlad na rin ng kanyang lipunan. Kaya naman nagmungkahi si Renato Constantino na gamitin ang edukasyon sa kritikal na pagpapanibago ng lipunan. Ang kanyang adbokasiya na ito ay nag-ugat sa sistema ng edukasyon na ipinakilala ng mga Amerikano kung saan nawala ang diwang nasyonalismo at nagkaroon ng kolonyal na kaisipan ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng edukasyon, mapapanumbalik ang maka-Pilipinong diwa at kamalayan. Dapat na ituro sa mga mag-aaral sa paaralan ang katutubong sining, kalinangan, at kaisipan gamit ang ating sariling wika. Kasama na rito ang mga pag-aaral ng mga Pilipinong dalubhasa, at higit sa lahat, ang mga pagpapahalaga na matututunan hindi lamang sa mga aklat kundi sa karanasan. Nararapat din na ituro sa mga mag aaral na makialam at makisangkot sa pagpapanibago ng lipunan kung saan ang pagkilos, pakikiisa, at pakikibaka ng mga mamamayan ay tungo sa pagpapaunlad ng bansa. Ang mga pagpapahalagang napag-aralan ay dapat na isabuhay o isagawa upang maisakatuparan ang layunin ng nasyonalismo.

 


All Comments (2)

Ainah Dimasacat
2 months ago

Request for full text