Layunin ng pag-aaral na ito na ipakilala ang konsepto ng bossing bilang istilong pamumuno na tunay na tatak-Filipino. Wala pang pormal na pag-aaral sa paksang ito, kung kaya ninais ng may-akda ng pananaliksik na ipakita ang pinagmulan ng konsepto at paano ito ginagamit sa pang-araw-araw na pakikitungo sa isang tagapamuno. Sa pananaliksik na ito, nais malaman ng may-akda kung may pagkakaiba ba sa persepsyon ng mga kawani ang pagamit ng salitang boss at bossing. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay mga kawani mula sa Baliwag Transit, Inc. (BTI), na may opisina sa Baliwag, Bulacan. Ang pananaliksik ay gumamit ng quantitative research method. Ginamit din ito ng pamamaraang palarawang pahambing. Ang pangangalap ng mga impormasyon ay ginawa sa pamamagitan ng mga palatanungan, tseklist, at balangkas na pakikipanayam.