HomeUE Research Bulletinvol. 19 no. 1 (2017)

Paggamit ng Primaryang Batis sa Kaalamang Pangkasaysayan sa Elementarya

Ana-Liza C Ani

 

Abstract:

Ang pananaliksik ay nakatuon sa epekto ng paggamit ng primaryang batis sa pagkatuto sa kasaysayan sa elementarya. Dalawang pangkat ng mag-aaral mula sa isang seksyon sa Grado 5 ang kalahok sa pananaliksik. Kabilang ang mga mag-aaral sa star section ng isang regular na paaralang pampubliko sa Lalawigan ng Bulacan. Sumailalim ang mga bata sa pagtuturong ginagamitan ng primaryang batis. Ang Pangkat A ay binubuo ng limang mag-aaral na may pinakamataas na marka sa posttest habang ang Pangkat B ay binubuo ng limang mag-aaral na may pinakamababang marka sa pagsusulit. Ang mga datos para sa kwantitatibong bahagi ng pag-aaral ay kinalap sa pamamagitan ng pretest at posttest. Ang panayam sa mga kalahok na mag-aaral ay isinagawa upang mangalap ng datos para sa kwalitatibong bahagi ng papel. Ipinahihiwatig ng resulta ng pagsusuri sa mga datos na ang paggamit ng primaryang batis ay nakapagdulot ng makabuluhang pag-unlad sa kaalaman sa kasaysayan ng mga kalahok. Batay sa resulta ng pananaliksik, maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa kasaysayan ang paggamit ng primaryang batis sa pagtuturo.