HomeLayagvol. 2 no. 1 (1997)

Ang Penomenon ng Panlalait Bilang Reaksyon Sa Paglabag Sa Meta-Iskriptong Sikolohikal

Benedict Manalo Lamberte

Discipline: Psychology

 

Abstract:

Sinuri ng awtor ang penomenang panlalait. Gamit ang metodong pagtatanong-tanong, nilayon ng pag-aaral na alamin (1) ang pakahulugan sa panlalait; (2) ang mga situwasyong nag-uudyok sa panlalait, (3) ang mga kadahilanan ng panlalait, (4) ang mga paraan ng panlalait,at (5) kung sino ang kadalasang nalalait. Ang mga nakuhang datos ay binigyang kahulugan gamit ang teoretikal na konstrak ng iskriptong sikolohikal. Ayon sa awtor ang gawaing panlalait ay isang reaksiyon sa mga pangyayaring lumalabag sa mga meta-iskriptong sikolohikal tungkol sa iba’t ibang mga pangaraw-araw na kaganapan sa larangang sosyal (Eds.).