Susing salita: Social Science, History, Humanities, Local History
Isang Kapampangang historyador si Mariano Angel Henson na nagbigay-tuon sa karamihan ng kanyang mga akda sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng lalawigan ng Pampanga. Ang dalawang aspektong ito ang magiging tuon ng papel: una, ang historiograpiya ng Araling Kapampangan; at ikalawa, si Henson at ang kanyang kontribusyon sa pagpapalawak ng historiograpiyang ito. Ilalahad sa papel na ito ang ilan sa mahahalagang akdang nagbigay-kontribusyon sa Araling Kapampangan at mula rito, magkakaroon ng pagpopook sa buhay at kontribusyon ni Henson. Bibigyang-pagtatasa sa papel na ito ang mga naging ambag ni Henson at ang pook na kinalalagyan ng mga ito sa lumalawak na Araling Kapampangan. Bibigyang-tuon din ang mga akda ni Henson na may kinalaman sa Kasaysayang Pampook ng Pampanga at Kasaysayang Etniko ng mga Kapampangan.