Susing salita: Social Science, History, Humanities, Local History
Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang muling balikan at pag-isipan, gamit ang kasaysayan, ang pagdiriwang sa Araw ng Pasig—ang araw ng pagkakatatag ng nasabing pook. Bagama’t isang tradisyon ang ipagdiwang ito tuwing Hulyo 2 at inuugat noong 1573, ang taon diumano ng pagkakatatag nito, iba ang itinuturo ng mga batis pangkasaysayan. Inilalahad sa pananaliksik na ito ang konteksto ng pagkakabuo ng nasabing pagdiriwang, pagsusuri sa mga batayang pahayag ng mga nagtakda ng nasabing “araw,” at paglalahad ng mga primaryang batis kaugnay sa pagkakatatag ng Pasig.