HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 1 (2018)

El Monstruo del Vicio: Isang Pagbasa at Pagtalakay sa Apyan/Opyo sa Pilipinas at mga Kaugnayan nito sa Noli at Fili ni Jose Rizal

Ferdinand Philip F. Victoria

Susing salita: Social Science, History, Humanities, Rizaliana Studies

 

Abstrak:

Layunin ng artikulong itong ipaliwanag ang kontekstong pangkasaysayan ng mga pagbanggit tungkol sa opyo sa Pilipinas sa ilang bahagi ng Noli at Fili ni Jose Rizal.  Mula sa pagtalakay na ito, makikitang iniugnay ang ebolusyon ng kaisipan at patakaran tungkol sa paggamit ng opyo sa Pilipinas bilang tanda ng modernisasyon ng kolonya noong dantaon 19.  Bagama’t hindi lamang si Rizal ang naging kritiko ng pananaw na ito, makikita sa ilang bahagi ng kanyang mga nobela kung paano niya tinuligsa ang ugnayang ito.  Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng mas malalim na pagpapahalaga ang mga nobelang ito ni Rizal bilang batis pangkasaysayan noong dantaon 19.