HomeSaliksik E-Journaltomo 3 bilang 1 (2014)

Kasaklawan ng mga Larangan sa Bagong Kasaysayan: Buhay, Bayan, at Kabanwahan

Adonis L. Elumbre

 

Abstrak:

Para sa pambungad na ito, bibigyang-salaysay ang proyekto ng Bagong Kasaysayan at ang mga rubrikong nakapaloob dito na kinabibilangan ng Kasaysayang Buhay, Kasaysayang Bayan, at Kasaysayang Kabanwahan.  Nilalayon ng pagtalakay na ito na isakonsepto at isakonteksto ang mga ambag na sulatin sa kasalukuyang tomo ng SALIKSIK E-Journal.  Makabuluhan, kung tutuusin, ang tatlong nabanggit sa pag-unawa mismo ng mga susing usapin na nakapaloob sa disiplina ng Kasaysayan.  Gayundin, pinapagtibay ng mga ito ang kasaklawan ng mga larangan sa Bagong Kasaysayan, bagay na nagpapalitaw rin ng dinamismo ng talatasan at mga diskurso sa loob ng nabanggit na paaralang pangkaisipan.