Nahahati sa dalawang pangunahing bahagi ang akdang ito na tatalakay sa mga sumusunod: (1) sakayan, sining, at wika: mayamang larangan ng pagpapaksang pangkasaysayan at (2) ideolohiya at penomenong pangkasaysayan: teorya at praksis pangkasaysayan. Tatalakayin sa una ang metodolohikal at pilosopikal na saligan ng sanaysay na inaasahang magbibigay-linaw sa batayang pangkaisipan na pinagsisingkawan ng mga akdang pangkasaysayan. Samantala, magiging diwa naman ng sanaysay sa ikalawang bahagi ang pagbibigay-saysay sa mga temang pangkasaysayan at ang kaugnayan nito sa pag-unlad ng kaalamang pangkasaysayan sa Pilipinas.