HomeDALUMAT E-Journaltomo 5 bilang 1 (2019)

KONTRADIKSIYON SA MGA ISYUNG PANGWIKA SA FILIPINO

Vasil Victoria

 

Abstrak:

Ang papel na ito ay nagdidiskurso sa wikang Filipino at ang tuon nito ay ang dalumat ng kataliwasan o mas sikat sa terminong kontradiksiyon. Sinasabi sa buong pananaliksik na ito na sadyang batas na magkaroon ng kontradiksiyon ang isang buhay at dinamikong wika. Naglatag dito ng 30 kontradiksiyon sa mga isyung pangwika sa Filipino. Inihanay ang mga idea batay sa danas at lawak ng pagbabasa at pagsusuri gayundin ng matagal nang pagtuturo ng mismong mananaliksik. Sa kabuoan, nais itampok sa papel na ito na kailanman ay hindi maaaring ipagsangkalan ang kontradiksiyon sa mga matino, makatwiran at matatag nang tuntuning pangwika sa Filipino. Malinaw at maliwanag na nagbubungguan ang dalumat ng estandardisasyon at popularisasyon sa paggamit ng mga salita sa wikang Filipino ang pinakabuod at pinakaubod ng mga argumentong tinalakay sa papel na ito.