HomeDALUMAT E-Journaltomo 5 bilang 1 (2019)

TAWID-KULTURAL NA PAGSASALIN NG NOBELANG ONE HUNDRED YEARS OF SOLITUDE NI GABRIEL GARCIA MARQUEZ: MGA ESTRATEHIYA AT SULIRANIN

Jeffrey Rosario Ancheta

 

Abstrak:

Ang papel na ito ay isang paunang pag-aaral na naglalayong isalin ang isang bahagi ng nobela, One Hundred Years of Solitude (Kabanata 7) na isinulat ni Gabriel Garcia Marquez, gamit ang wika at kulturang Filipino. Isa itong pagtatangka ng tagasalin na makabuo ng mga bagong estratehiya na makatutulong sa larangan ng pagsasalin. Sa pag-aaral na ito, binigyang-kahulugan ng tagasalin ang pagsasalin bilang isang proseso ng tawidkultura na hindi naisasakripisyo ang kahulugan ng orihinal na akda subalit naiaakma sa wika at kulturang paglilipatan. Layunin na mailahad sa papel na ito ang prosesong pinagdaanan ng tagasalin upang maitawid sa diwang Pilipino ang isang bahagi ng nobela ni Marquez. Sa pamamagitan ng ilang pamamaraang pampagsasalin ni Newmark, naisagawa ang pagtawid-kultura ng nobela. Inilatag din sa papel na ito ang iba’t ibang suliraning kinaharap ng tagasalin sa ginawang pagsasalin kay Marquez. Sa huli, inisa-isa ng tagasalin ang mga bagong estratehiya na kanyang ginamit na higit na nakatulong sa pagsasalin ng nobela.