HomeTilamsikvol. 9 no. 1 (2017)

“Pare mahal mo raw ako”: Isang sikolohikal na pag-aaral tungkol sa mga baklang nakaranas na tanggihan ng kanilang kaibigang lalaki

Karen Jane P Montero

Discipline: Psychology

 

Abstract:

[Filipino] Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga naging kwentong buhay ng mga baklang nakaranas na tanggihan ng kanilang kaibigang lalaki. Ang mga kalahok ay sampung bakla, may edad 17-23 taong gulang, na nagmula sa Lucena City at Lucban, Quezon. Ginamit ang makapilipinong pamamaraan katulad ng pakikipagkwentuhan at pakikipagpalagayang loob upang ang ninanais na datos ay makuha. Sinuri ang mga nakalap na datos gamit ang kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik. Ginamit ang penomenolohikal na lapit na pag-aanalisa, ang mga impormasyon ay itinala at inayos upang mabigyang interpretasyon ang mga datos. Ang konklusyon sa pag-aaral na ito ay ang mga kalahok ay dumaan sa iba’t ibang paraan upang matanggap ang nangyaring pagtanggi. Sa pag-aaral na ito ipinapakita na bagamat nasaktan ang mga kalahok ay natanggap pa din nila ang nagyaring pagtanggi. Ipinakita nito na ang pagiging magkaibigan ng dalawang lalaki ay nasisira pagkatapos na magtapat ang isa dito, gayon din ang pagpapatunay na magpasahanggang ngayon ay hindi pa din katanggap tanggap ang mga bakla at ang relasyon ng magkaparehong sekswalidad. [English] This study explores on the life stories of gay men whose offer of love were turned down by their male friends. Participants include 10 gay men, aged 17-23 years old, from Lucena City and Lucban in Quezon Province, Philippines. The Filipino ways of engaging in storytelling and gaining trust were used to gather the needed data. Employing the phenomenological approach in analysis and interpretation, the data were coded and thematically grouped. It was concluded that the participants in this study have adopted various strategies so as to move on from the refusal. This study reveals that friendships tend to be severed after the revelation, an indication that up to this time, homosexuality and same sex relationships are still tabooed in society.