HomeMALAYvol. 30 no. 2 (2018)

Poetka ng Pagbubura Bílang Pagbubuo

Mesandel Virtusio Arguelles

 

Abstract:

Ang “Poetika ng Pagbubura bílang Pagbubuo” ay pahayag ng poetika ng may-akda kaugnay ng kaniyang mga akda ng pagbubura, sa partikular ang Pesoa (Balangay Productions, 2014). Inilulugar sa sanaysay ang konseptuwal na pagsulat na kinabibilángan ng pagbubura (apropiyasyon) at ang konsepto ng bago sa pagitan ng modernismo at postmodernismo sa kontemporaneong panulaan bago tinatalakay ang mga proseso at prinsipyong kalakip ng sariling mga praktika ng malikhain at di-malikhaing pagsulat ng may-akda.