Nakaugat sa isang nasyonalistikong mithiin, inilaan ni Leonardo Nieva Mercado ang kaniyang búhayintelektuwal sa paggalugad at pagpapaliwanag ng kapantasang Filipino. Malakas ang kaniyang paniniwala na mayroong mga sangkap ng pilosopiya sa paraan kung paano tingnan ng mga Filipino ang kanilang partikular na sanlibutan. Gamit ang magkakaiba, ngunit magkakaugnay na metodolohiya, pinatunayan niya na ang pananaw-sa-mundo ng mga Filipino ay di-duwalistiko at Silanganin, na mahihiwatigan naman sa mga katutubong konseptong tulad ng “loob,†“sakop,†“ganda,†“pagka-’,†“gawa,†“kawalan,†“pamathalaan,†at marami pang iba. Sa sanaysay na ito, inilahad ang kaisipang Mercado nang sa ganoon ay lalo pa itong masilayan ng madla, partikular ng mga mag-aaral at mga mananaliksik na nagsisimula pa lámang o nakalimot na sa lárang ng pilosopiyang lokal sa ating bansa. BÃlang isa sa mga pangunahing tagapaghawan ng pilosopiyang Filipino, mataas ang halaga na maunawaan [muna] ang konseptong Mercado upang masundan na ito ng mga bagong pag-aaral at mga kaukulang pagbatikos kung kinakailangan.