HomeMALAYvol. 30 no. 2 (2018)

Mula Anito Hanggang Kasaysayan ng Langit: Panimulang Pagbabalangkas Tungo sa Bagong Kasaysayan ng Pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas (3000 B.K.-1950)

Jose Rhommel B. Hernandez

 

Abstract:

May tatlong bahagi ang pag-aaral na ito. Una, sinikap na bigyang pansin ang mga naunang pag-aaral sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Tinalakay ang kanilang mga pangunahing punto at paglalarawan sa naging daloy ng kasaysayan ng pagpapakalat ng pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas. Ikalawa, binigyang paliwanag ang “Pantayong Pananaw” bílang siyang magiging lente sa pag-aaral ng kasaysayang tinuran at kung paano ring magiging pamamaraan ito sa pagtugon sa suliraning naging epekto ng mga naunang pag-aaral. Ikatlo, sinikap na bumuo ng isang panibagong peryodisasyon ng kasaysayan ng Simbahang Katoliko na hindi nakasentro sa mismong kilos/mga kilusan sa loob mismo ng Simbahan kundi sa mga kilos ng bayan mula sa kanilang pananampalataya sa Anito hanggang sa kanilang pagbubuo ng sariling mitolohiya kung saan nag-uugnay ang sinaunang pananampalatayang ito sa tinanggap na pananampalatayang Kristiyano Katoliko.