Konektado ang gawaing pagsasalin sa usaping pampolitika at kultura. Multidisiplinaryo ito dahil kinakailangan na tingnan ng tagasalin ang konteksto ng kasaysayan, kultura, at karanasan ng isang manunulat upang maibahagi sa mga mambabasa ang mensahe na hatid ng mga akdang pampanitikan. Layunin ng papel na ito na isalin sa Filipino ang isang tulang sosyopolitikal ni Jose Maria Sison bÃlang kontribusyon sa pagpapayabong ng mga teksto sa pambansa at panlipunang kalayaan at maihatid ito sa kalakhang masang Filipino. Inilapat ang Teorya ng Manipulasyon ni Andre Lefevere upang maisakatuparan ang kritikal at ideoholikong pagsasalin ng tula. Bagaman nása kontekstong Filipino na ang nasabing obra, layunin ng pagsasalin na maipahatid ang mensaheng magtataas ng kamalayan magpapakilos sa sambayanang Filipino tungo sa kalayaan.