HomeDALUMAT E-Journaltomo 5 bilang 2 (2019)

IBA’T IBANG IMAHEN NG MGA LADY GAGA SA MGA PANULAT NI JACK A. ALVAREZ: ISANG KRITIKAL NA PAGSUSURI

Baby Jean VC Jose

 

Abstrak:

Lunsaran ng kaakuhan ng isang manunulat at pagpapakilala sa pook na pinagluwalan nito ang literatura. Sa pamamagitan ng panunuring pagnilalaman at paglalapat ng dulog-postmodernismo at queer, tunay ngang maituturing na kontemporaryong manunulat si Jack Alavarez isang manunulat na bakla na nakabase sa Saudi Arabia kung saan dominante ang kalalakihan, sa kanyang dagling “Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga” dahil sa kanyang autobiografikal at confessional na istilo, paggamit ng bernakular na wika at ang kakaibang pagpapamagat (rumbled letters) gayundin ang paglalakip ng mga temang pampulitika, pansosyal, pang-ekonomiya at kultural na usaping pambansa lalo na sa espasyo ng diaspora. Kontemporaryong maituturing ang kanyang akda at pamamaraan ng pagsulat dahil may pagbalikwas sa nakagawiang norm sa istilo at tema ng pagsulat ng dagli. Sadyang malinaw ang representasyon ng mga karakter sa dagli na kapwa tumutukoy sa mga Pilipino na nasa loob at labas ng bansa at sa mga Arabo. Naiaangat ng sinuring ang panitikang Pilipino dahil naghain ito ng makabagong paraan ng pagsulat ng dagli na patok sa mga mambabasa anuman ang edad at piniling gender nito.