Nagdisenyo ang awtor ng modelong mnemonic na K-U-L-T-U-R-A bilang saliksik-instrumento gayundin bilang balangkas konseptuwal upang tukuyin ang mga palatandaan ng likas-kayang kultura ng partikular na grupo kaugnay ng disaster. Layunin ng papel na mailarawan ang modelong mnemonic at kung paano ito ginamit sa pananaliksik tungkol sa kultura at disaster na may tuon sa kababaihan at mga bata bilang bulnerableng mga sektor sa panahon nang matagalang pagbaha sa lokal na pamayanan.