HomeDALUMAT E-Journaltomo 5 bilang 2 (2019)

“MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN”: ISANG EKOKRITIKAL LITERARING ANALISIS

Freddielyn B Pontemayor | Estrella Y Dacillo | Fe H Mantong | Marlene B Zarate | Vida R Vistal | Jan Eldrich M Villalba

 

Abstrak:

Nagpaalarma sa mamamayang Pilipino ang mga ulat ukol sa toneladang basurang itinapon ng ilang bansang dayuhan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Ang mga basurang ito ay nakapagdaragdag sa ating sariling basura na itinatambak sa mga estero, sapa, ilog at dagat. Kaugnay rin nito, umuusbong ang industriya ng bansa sa pamamagitan ng mga likas na yamang nakukuha na ginagamit sa pagproseso ng mga mahahalagang kagamitan at pinagkakakitaan ng ilang mamamayan, subalit bumulusok naman ang kalagayan ng kapaligiran. Bunga nito, iba’t ibang sakit ang nakukuha ng tao mula sa tubig, hangin, at ang masaklap, mga di-mapigilang ganti ng kalikasan. Kaya, nilalayon ng papel na maitalakay ang ilang isyung pangkalikasan gamit ang ekokritisismo ni Glotfelty sa pagsusuri ng awiting “Masdan Mo Ang Kapaligiran.” Tinatangka din ng papel na: 1) maipresenta ang mga sanhi at epekto ng problema sa polusyon, industriyalisayon at deforestation sa kalikasan at kalusugan ng tao; 2) mailarawan ang mga negatibong resulta ng labis na pang-aabuso sa kalikasan; 3) masuri at maiugnay ang mensahe at kabuluhan ng awit sa kasalukuyang nagaganap na kapaligiran; at 4) mailahad ang mga posibleng solusyon sa mga nasabing suliranin.