HomeDALUMAT E-Journaltomo 5 bilang 2 (2019)

PAGSIPAT AT PAGSUSURI: ANG PROF TO PICK NG MGA ESTUDYANTE SA DLSU

Maria Fe G. Hicana

 

Abstrak:

Ang papel na ito ay pagsusuri sa ebalwasyong ginagawa ng mga mag-aaral sa kanilang guro sa pamantasang De La Salle. Maliban sa instrumentong istandardisado na ginagamit ng pamantasan ay may portal pa sa website ang mga mag-aaral tungkol sa mga “Profs to Pick at Profs to Avoid” kung saan kahit sinong mag-aaral ng DLSU ay may akses dito. Ang mga saloobin hinggil sa isang propesor ng sinumang mag-aaral ay mababasa at tahasang naka-post sa Pinoyexchange, Weebly, at Facebook. Pokus ng papel na ito na ilahad ang mga katangiang ninanais ng mga mag-aaral ng DLSU kung bakit kabilang ang isang propesor sa “Prof to Pick” at kung bakit naman “Prof to Avoid.” Deskriptibong pamaraan ang ginamit sa pag-aaral; batay ito sa pakikipanayam sa mga mag-aaral at pagkuha ng datos sa mga website. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito na tayahin ang saloobin ng mga guro hinggil sa umiiral na sistemang ito sa pamantasan. Gayundin hindi rin saklaw ng kasalukuyang papel na alamin kung batid nga ba ng mga nasa pamunuaan o mga administrador ang kalakarang ito sa DLSU. Panghuli, hindi saklaw ng pag-aaral na alamin kung balido o hindi ang mga komentaryo ng mga mag-aaral sa mga website. Sa kabuuan, ang papel na ito ay isang pagtatangkang pagtanaw hinggil sa paglalahad ng mga persepsyon ng mga mag-aaral ng Pamantasang De la Salle tungkol sa “Profs to Pick.”