Bagamat hindi kilala ang sumulat, ang tulang ‘Don’t Quit’ ay nakapagbigay ng inspirasyon sa may-akda ng sanaysay na ito upang isalin ito sa wikang Filipino. Gamit ang ilang prinsipyo at teorya sa pagsasalin mula sa mga teorista at makatang sina Theodore Savory (na isinalin ni Alfonso Santiago), Robert Frost, Wen Yiduo, Wang Zuoling, at ng leksikograpong si Samuel Johnson, inilatag ng may-akda ang naging paraan niya ng pagsasalin. Ipinakita niya ang tumbasan ng mga salita at taludtod ng dalawang tula mula sa simulaang lenggwahe (SL) patungo sa tunguhang lenggwahe (TL). Ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng pagsasalin.