HomeLPU-Laguna Journal of Arts and Sciencesvol. 3 no. 1 (2018)

Henerasyon ng mga Lalaking Puta

Denzel Dominic D Bancoro | Stevenyl E. Parungao | Nelson Tenorio

 

Abstract:

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang mga nakapaloob sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga lalaking prostitute. Lumalabas sa pag-aaral na ito na napasok ang mga kalahok dahil sa kahirapan ng buhay. Kinakailangan nila ng pinansyal na seguridad sa buhay at nakamtan nila ito sa pagiging prostitute. Maraming mahirap na pinagdadaaanan ang mga kalahok ngunit ayon sa kanila lahat ng ito sa para sa kanilang pamilya at mga pangunahing pangangailangan. Kapalit ng trabahong ito ay ang pagkakaroon ng malaking posibilidad na bumaba ang tingin nila sa sarili. Karamihan sa kalahok ay nagsabing mababa ang tingin nila sa sarili dahil naaapektuhan sila sa mga mungkahi ng mga taong nakapaligid sa kanila. Sa kabila ng lahat ng ito, mas nangingibabaw para sa kanila ang pinansyal na seguridad sa buhay.