Ang mga Aeta o kilala sa tawag na Ati sa Panay at Kabisayaan ay isang pangkat etniko na nasa Gitnang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas. Ayon kay H. Otley Beyer, ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas na nagmula sa Borneo ay pinaniniwalaang nakararing sa karatig pook sa pamamagitan ng paglalakad at pagtawid sa mga tulay na lupa para umabot sa mga lugar ng Palawan, Mindoro at ilang bahagi ng Mindanao.