Ang pag-aaral na ito’y isinagawa upang tukuyin ang mga salitang ginagamit ng mga gay prostitute sa pakikipagtalastasan sa kapwa gay prostitute at iba pang homoseksuwal gayundin ang mga salitang inaangkop sa pagsasagawa ng anumang gawaing may kinalaman sa prostitusiyon. Ang pag-aaral na ito’y kinapapalooban ng walong (8) freelance cross-dresser gay prostitute na nasa gulang 17 hanggang 30 at matatagpuan sa Quirino Avenue, San Dionisio, Lungsod ng Parañaque. Gumamit ng kuwalitatibong pamamaraan upang maisakatuparan ang pag-aaral. Sinuri rin ang mga salitang nakolekta sa pamamagitan ng leksikograpikal na lapit. Natuklasan na mga salita na ginagamit ng mga gay prostitute sa gawaing prostitusiyon at pagpapahayag ng mga bagay na may kinalaman sa seks tulad ng milo, tsupa, booking, blowjob, hada at iba pa. Ang paggamit ng mga alituntuning nakapaloob din sa pagbuo ng mga gay lingo tulad ng mga sumusunod: ang pagpapalit ng mga letra sa unahang salita na nakapaloob sa tinatawag nilang J Law, KY/NY Law, SH Law at CH Law; nagkaroon din ng paglalapi ng mga salitang wala namang panggramatikal na gampanin; pag-uulit ng mga salita, pagpapalit ng tunog at paggamit ng katunog na salita ng isang orihinal na salita. Ang pagkakaroon o paglalathala ng isang talatinigan o diksyunaryo ng mga salitang bakla ng mga gay prostitute para sa kapakanan hindi lamang ng mga karaniwang bakla kundi maging ang sambayanang Pilipino na hindi lingid sa ating kaalaman na malaking bahagdan ng mga Pilipino ay may impluwensiya ng mga salitang ito.