HomeDALUMAT E-Journaltomo 6 bilang 1 (2020)

ANG PAGTATANGHAL NG SARILI AT PAKIKIPAGDATE SA INTERNET GAMIT ANG TINDER

Glenn Irwin Cruz Reynon | Maria Dominique D. Baranda | Daigo Morga Ramiro Jr.

 

Abstrak:

Ilan sa mga motibo ng isang partikular na user ang pagpapahayag, pagtatanghal at pagbabalat-kayo na nabibigyang daan sa pamamagitan ng Tinder. Nagkakaroon ang bawat isa ng pagkakataong maipahayag ang pagtatanghal ng sarili batay sa pagkakakilala nila sa kanilang sarili. Sa pag-aaral na ito, sinuri kung paano ipinapahayag ng mga kabataan ang kanilang imahe gamit ang social media partikular ang Tinder. Gamit ang lente ni Goffman, inalam kung paano nabuo ang isang relasyon sa internet bilang platform, at kung papaano kinikilala ng isang indibidwal ang kaniyang sarili sa micro level. Sinuri din ang kaugnayan ng motibo ng pagpapahayag ng sarili at pandaraya sa pakikipag-online dating. Tiningnan din ang pagkakaiba ng pagpapahayag ng lalaki at babae ng kaniyang sarili, motibo at pag-uugali sa Tinder.