HomeDALUMAT E-Journaltomo 6 bilang 1 (2020)

Revving Up Research Innovations for Social Development: Methods and Perspectives

Jay Israel B. De Leon

 

Abstrak:

Ang aklat na ito ay koleksiyon ng mga artikulo na tumatalakay sa mga ambag ng Pamantasang De La Salle, partikular ang Social Development Research Center (SDRC), sa pananaliksik tungo sa kaunlarang panlipunan o social development. Isa rin itong testamento sa pagpoposisyon ng Pamantasang De La Salle sa sarili nito bilang isang research university. Kapwa aktibong mananaliksik ng pamantasan ang mga patnugot ng aklat. Si Romeo B. Lee ay isang propesor sa Behavioral Sciences Department ng pamantasan at nagsisilbi rin bilang punongpatnugot ng Asia-Pacific Social Science Review. Kabilang sa mga interes niya sa pananaliksik ang mga kontemporaryong isyung panlipunan kaugnay ng kalusugan, kalalakihan, at kabataan. Si Connie J. Maraan naman ay kasalukuyang Coordinator for Research Dissemination and Publication ng SDRC. Isang manunulat, nagkamit ng Cirilo F. Bautista Prize for Short Fiction sa National Book Awards ang kanyang Better Homes and Other Fictions, isang koleksiyon ng mga tuluyan. Nagtuturo din sa Pamantasang De La Salle ang iba pang mga kontribyutor sa aklat at mga produktibong mananaliksik din sa kanikanilang disiplina.