HomeDALUMAT E-Journaltomo 6 bilang 1 (2020)

Information & Communications Technology in the Philippines: Contemporary Perspectives

Deborrah S. Anastacio

 

Abstrak:

Positibo ang pagtanggap sa information and communications technology (ICT) dahil sa pangako nitong pag-unlad at inobasyon. Tunay na maraming oportunidad ang maibibigay ng ICT kung tama at epektibong magagamit ang kakayahan nito. Ang mga oportunidad at kinahaharap ng bansa sa ICT sa aspekto ng edukasyon at pamamahala ang tinalakay ng librong Information & Communications Technology in the Philippines: Contemporary Perspectives. Kaya naman nararapat na basahin ito ng mga mag-aaral, iskolar, at mga nagtatrabaho sa pribado at publikong institusyong nais magdagdagan ang kaalaman at/o lumikha ng mga proyekto at programang kaugnay ng ICT.