Popular na motto ng mga kabataan sa kasalukuyan ang carpe diem na nangangahulugang ‘seize the day’ sa Ingles. Mantra ito ng mga millennial at Generation Z upang bigyang-diin na sa kabila ng mabilis na agos ng buhay, kailangang lubusin ang pamumuhay kaysa pagtuunan ng pansin ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang mantrang ito ang gumagabay sa kanila sa kanilang mga disposisyon sa buhay at sa trabaho. Ngunit paano kung ang karerang matagal nang inaasam-asam ay naantala dahil naipit sa isang trabahong sinubukan lang? Paano kung ang kinabukasan ay kontrolado ng kasalukuyan? Ang buhay empleyong ito ang tampok sa pelikulang ‘The Devil Wears Prada†(2006) na halaw sa nobela ni Lauren Weisberger na may parehas na pamagat.