Madalas nang mapanood ang mga palabas na ang paksa ay tungkol sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa (LGBTQ+) sa mga pelikula, teleserye, at sa iba pang uri ng media. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng plataporma ang mga taong matagal nang naghahangad na matanggap ng lipunan at magkaroon ng pantay na karapatan. Pinatunayan ito ng mga pelikulang pinalabas sa mainstream nitong nakalipas na 10 taon dahil ginagawang libangan ang LGBTQ+ films na nagtataguyod ng mga pelikulang puno ng komedya at impluwensya ng kulturang popular.