HomeDALUMAT E-Journaltomo 7 bilang 1 (2021)

LANGIT LUPA. SALIN NG “PLAYING PILGRIMS,” UNANG KABANATA NG NOBELANG LITTLE WOMEN NI LOUISA MAY ALCOTT

Michael Thomas Nelmida

 

Abstrak:

May angking hiwaga ang pagsasalin at may iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang tagasalin na lumalagpas sa interdisiplinaryo, multidisplinaryo o transdisiplinaryo nitong pamantayan. Kaakibat nito ang pagiging dalubwika, ng tagasalin upang magagap ang tekstong nais isalin. Mula sa pag-aayos ng sintaksis sa dulog na linggwistik nito. Kailangan ding tumayo bilang literari kritik ang tagasalin, upang matasa at mataya ang literaturang kaniyang sinasalin. Nilalangkapan din ito ng pilosopikal at politikal na gawain sa naisaling teksto. Matagal ko nang inabanduna ang proyektong pagsasalin ng Little Women. Naniniwala ako na dapat isang babae ang magsalin ng nobelang ito. Magiging bilasa, o palabas na pananaw lamang ang magiging salin ko. Naging hamon sa akin, ang karanasan ng isang babae, taliwas sa kung anong naranasan ko bilang isang batang lalaki, labas sa kombensiyonalidad na itinakda ng heteronormatibong pananaw na pinalamon sa akin ng lipunan.