Malinaw ang karaniwang papel ng mga leading man ng mga tradisyunal na pelikulang Pilipino, bilang sadista o mahilig sa bakbakan (Rodriguez 2013) katulad nina Fernando Poe Jr. na parating nagliligtas ng kanyang mga mahal sa buhay at bilang mga matinee idol. Sa sukdulang paglalarawan, hindi nasusuwag o kahit nasasaktan man lang. Kaya’t maaaring ilapat dito kung paano tinatrato ang “pagkalalake†ng mga Pilipino pagdating sa pelikula. Sa lipunang Pilipino, ang pagiging lalake ay empirikong nakapako sa pagkakaroon ng aring panlalake (tite, phallus, at bayag) bilang panlabas na kaayuan (de Castro 1995; Tolentino 2000) kung kaya’t dapat lamang umayon ang mga karakter sa mga tipikal na katangian ng isang matinee idol.