HomeDALUMAT E-Journaltomo 7 bilang 1 (2021)

De Leon, Emmanuel. Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino (Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2019).

Mark Joseph P. Santos

 

Abstrak:

Sa hanay ng mga akademiko sa Pilipinas, pangkaraniwan ang taas-noong pagmamalaki sa pagiging dalubhasa sa kaisipan ng mga banyagang pantas. Bahagi ng payak na kwentuhan ang pagsipi sa mga ideya at pagbigkas ng pangalan ng mga ito, na animo’y marka ng pagiging tunay na intelektuwal. Totoo ito saan mang disiplina nagmumula ang isang akademikong Filipino, ito man ay sa teolohiya (Barth, Rahner, Bultmann), pilosopiya (Hegel, Foucault, Heidegger), sikolohiya (Freud, Jung, Skinner), sosyolohiya (Durkheim, Marx, Mills), antropolohiya (Geertz, Levi-Strauss, Mead), kasaysayan (Ranke, Braudel, Toynbee), at iba pa. Bagaman kailangan naman talagang pag-aralan ang mga banyagang pantas sa ating sari-sariling disiplina, tila ang obsesyon sa mga ito ay sintomas ng tinatawag ni Syed Alatas na academic dependency.