Ang kuwento ng Omnibus ay bunga ng malikhaing pag-iisip ni Rhod V. Nuncio. Sinadya man o hindi, hindi maikakaila na ang milieu ng kuwento ay sumasalamin sa mga totoong pangyayari o nangyayari sa lipunan noong panahon kung kailan isinulat ang nobela. Patunay rito ay ang pangalan ng isa sa mga pangunahing tauhan na si Presidente Orlando Miteorillo Orlilio Yutengco o Pomoy, na parody kay PNoy. Subalit hindi kagaya ni PNoy na puno ng kontrobersiya sa kanyang pamumuno. Inilarawan si Pomoy na isang magaling na pinuno. Dahil sa mga programang ipinatupad niya, nakaya ng Pilipinas na paangatin ang katayuan nito sa mundo at makipagsabayan sa ibang bansa. Ang kakayahan din ng mga miyembro ng kanyang gabinete ay masasabing kahangahanga.