HomeDALUMAT E-Journaltomo 7 bilang 1 (2021)

Tullao Jr., Tereso S. 2012. 25 Taon Tungo sa Intelektuwalisasyon ng Filipino: 25 Piling Sanaysay sa Ekonomiks. Manila: De La Salle University Publishing House

Gerlie R. Parejo

 

Abstrak:

Ang aklat na ito ay isang kalipunan ng mga sanaysay tungkol sa Ekonomiks gamit ang wikang Filipino tungo sa minimithing intelektuwalisasyon ng wika. Dalawa ang target na paksang nais bigyang-halaga ng aklat na ito: ang Ekonomiks at ang wikang Filipino. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon ng pang-unawa ang mga mambabasa sa usapin ng ekonomiya habang nililinang ang kahusayan sa paggamit ng ating pambansang wika sa usaping intelektuwalisasyon. Ang aklat na ito ay nagsisilbing pag-aalay ng pasasalamat kay Dr. Tereso Tullao Jr. na siyang haligi ng mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa ekonomiya, partikular sa ating bansa. Ang bawat sanaysay sa aklat ay makatutulong bilang padron sa mga papasibol na manunulat at mananaliksik, lalo sa larangan ng Ekonomiks. Pinalalakas nito ang puwersa ng paggamit ng wikang Filipino para sa higit na kapakipakinabang na gawain na siyang makapagpapataas ng antas ng ating pambansang wika.