HomeSaliksik-Kultura: The NCCA Research Journalvol. 1 no. 1 (2021)

Linguistic Landscape sa Tatlong Malalaking Lungsod sa Pilipinas: Isang Panimulang Pagsusuri

John Venson P. Villareal | Jomar G. Adaya | Mayluck A. Malaga | Roan Jessa A. Dino

 

Abstract:

Ang papel na ito ay nakatuon sa linguistic landscape ng tatlong pangunahing lungsod sa Pilipinas – Lungsod ng Maynila sa Luzon, Lungsod ng Cebu sa Visayas, at Lungsod ng Davao sa Mindanao. Ang mga lungsod na ito ay mga sentro ng komersiyo sa pinakamalalaking isla ng bansa, at ang naging tahanan ng iba’t ibang etnolingwistikong pangkat. Ang implementasyon at paglaganap ng Ingles at Filipino bilang pambansang wikang gagamitin sa mga fangsyonal na domeyn ng lipunan ay nagpabago sa linguistic landscape ng mga lungsod na ito. Ang mga ito ay nagkaroon ng interaksyon at nakipagtagisan sa rehiyunal na lingua franca, na siyang lumikha ng mga barayti(Rubrico 2012). Sinurisa papel ang mga interaksyon at tagisan na ito sa pamamagitan ng pagsipat sa mga sayn na ginagamit sa mga pampublikong espasyo. Ang mga datos ay kinalap sa pamamagitan ng isinagawang fieldwork mula Mayo hanggang Nobyembre 2018 sa mga parke, palengke, gusaling panlungsod, at pangunahing kalsada. Ang mga larawan ng iba’t ibang sayn sa mga lugar na ito ay kinunan at sinuri ayon sa mga baryabol o mga yunit. Ipinakikita dito na ang mga prebilihiyadong pangkat tulad ng mga Chinese community sa Lungsod ng Maynila at Lungod ng Davao ay maaaring makalikha at magmanipula ng sayns gamit ang kanilang wika na malaya sa lokal at pambansang mga polisiyang pangwika. Ang pagkilalaninaCenoz& Gorter(2006)sapagitan ng top-down at bottom-up na mga sany ay nagpapaliwanag kung bakit ang di-opisyal at dipribilihiyadong mga wika ang malaganap na ginagamit para sa mga babala, impormasyon, at mga direksyon. Sa huli, pinatutunayan sa pag-aaral na habang ang linguistic landscape ay hinuhubog ng mga pambansang polisiyang pangwika (Bouris-Landry 2002), ang mga gampanin ng di-opisyal, minorya, at prebilihiyadong mga komunidad ay kailangang bigyang konsiderasyon lalo na sa pag-igting ng migrasyon ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa kabilang banda, natuklasan sa pag-aaral na ito na malaki ang ginagampanan ng interaksyon ng mga wika na natunghayan sa mga sayn sa pampublikong espasyo sa pagbuo ng imahen ng mga pangunahing lungsod at ng Pilipinas sa kabuuan.