Jaime T. Amante Jr | Jovert R. Balunsay | Susan M. Tindugan
Isa sa mga kahingian sa mga mag-aaral sa antas gradwado ang pagsasagawa ng tesis at disertasyon bilang pinal na gawaing akademiko. Kritikal para sa kaguruang nagpapakadalubhasa sa antas gradwado ang pagpili ng paksang pampananaliksik, pagtukoy ng disenyong gagamitin, at pagpapasya kung anong output ang magsisilbing ambag ng napiling paksa. Sa artikulong ito, inilahad ng mga may-akda ang isinagawang pagsusuring pangnilalaman sa mga saliksik ng mga paaralang gradwado ng programang Filipino. Ang mga ito ay Master sa Filipino, Master ng Sining ng Edukasyon sa Filipino at Doktor ng Pilosopiya sa Filipino. Napag-alaman ng mga mananaliksik na karaniwang mga kagamitang instruksiyonal sa Filipino ang nagsilbing output ng mga sinuring pag-aaral. Kabilang sa mga kagamitang panturo ay mga aklat, modyul, banghay-aralin, diksiyonaryo, at iba pa. Ito ang nagbunsod sa mga mananaliksik upang makabuo ng isang gawaing pang-ektensiyon sa Filipino. Mga Susing Salita: Output, Disertasyon, Ekstensiyon, Filipino, Tesis One of the requirements of graduate students is a thesis or a dissertation as their final academic requirement. It is a crucial task for the teachers who are studying in the graduate school to choose research topics, identify research design and decide what output will be developed as an off-shoot or contribution of the study. In this article, researchers have conducted a thorough content analysis of the completed theses and dissertations of masters and doctorate students in Filipino programs. The researchers found out that the research outputs are instructional materials like books, modules, lesson plan, dictionary, and other printed materials. The findings gave the researchers the idea to develop a proposed extension activity in Filipino.