HomeMALAYvol. 33 no. 2 (2021)

The Subversive Potential of Machine Translators: Google Translate and a Carlos Bulosan Poem Michael

Francis C. Andrada

 

Abstract:

Inobasyong teknolohikal ng ika-21 siglo ang mga “machine translator” o “automatic translator.” Bagamat limitado ang kakayahan sa pagsasalin, malaki ang ambag o tulong ng mga makina ng pagsasaling ito. Ang online statistical machine translator (SMT) na Google Translate ang isa sa pinakapopular na makina ng pagsasalin sa kasalukuyan. Maaari itong kasangkapanin ng kahit sino, ng kahit anong ideolohiya, at para sa iba’t ibang layuning pampolitika, pangkultura, at pangekonomiya. Ipinakita sa papel na ito na may potensiyal ng subersiyon sa paggamit sa Google Translate bilang pangtulong na makina ng pagsasalin, taliwas sa orihinal na monopolyo kapitalistang ethos ng crowdsourcing bilang pribatisasyon ng wika at impormasyon, at bilang ekspansiyon ng merkado. Ipinamalas sa papel ang isang makabayan at anti-imperyalistang proyekto sa pamamagitan ng pagsasalin ng isang tulang Ingles ni Carlos Bulosan tungo sa wikang Filipino. Mga Susing Salita: anti-imperyalista, Carlos Bulosan, makabayan, makina ng pagsasalin, pagsasalin, tula The machine or automatic translator is a distinct 21st technological innovation. Although limited in its capability to translate, it is generally appreciated as a powerful adjunct tool for translation. Among today’s most popular machine translators is Google Translate, an online statistical machine translator (SMT). It may be utilized by anyone, by any ideology, and for a variety of political, cultural and economic objectives. This paper is a project on the subversive potential of translation using Google Translate as an aid for translation, contrary to its original monopoly capitalist ethos of privatizing language and information, and of market expansion. This paper articulates a possibility for a nationalist and anti-imperialist project by using Google Translate as an adjunct tool to translate from English to Filipino a poem written by Carlos Bulosan.